CAGAYAN DE ORO CITY –Taas-noo na sinaluduhan ng mga abogado ng bans ang matapang subalit patas na pagpapalabas ng sentensiya laban sa mga pangunahing akusado ng malagim na Maguindanao masaker na tumagal ng higit 10 ang paglilitis bago nakamtan ang hustisya para sa mga pamilya ng 58 biktima.
Ito ay matapos pinatatawan ng guilty verdict ni Quezon City Regional Trial Court Branch 221 Presiding Judge Jocelyn Reyes ang magkapatid na Zaldy at Andal Ampatuan Jr kasama ang ibang kasabwat sa nabanggit na kremin kahapon ng umaga.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Intergrated Bar of the Philippines (IBP) National Capital Region Chapter Executive Vice President Atty Domingo Cayosa na ang angkin na tapang at hindi pag-inhibit ni Reyes sa kaso ay malaking papel upang mapalakas ang mga ebedensiya magdidiin sa mga akusado.
Inihayag ni Cayosa na totoong mahaba ang panahon na nagamit dahil sa dami rin ng mga akusado at mga testigo na dapat mabigyang pagkakataon na marinig ang panig upang mabuo ang sentensiya ng kaso.