“Ignorance is not an excuse”—ito ang malinaw na pambabatikos ni Cobbie Jan Canda ng Kabataan Partylist laban sa pahayag ni Davao City Mayor Baste Duterte na wala itong nalalaman na sangkot pala ang kanyang kapatid na si Vice President Sara Duterte sa mga kompanyang nakakuha ng kontrata sa gobyerno sa Davao.

Nilinaw ng opisyal na hindi pwedeng gawing dahilan upang makaiwas sa pananagutan sa batas ang pagsasabing walang ideya kung sino ang mga may-ari ng mga negosyong ginawaran ng proyekto sa lungsod.

Dagdag pa ni Canda, tila pinaglalaruan lamang ang pera ng publiko sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga proyekto sa Davao sa mga taong malapit pa rin sa pamilyang Duterte.

Dahil dito, iginiit ng grupo na kahit magsabing walang nalalaman ang alkalde sa mga sinasabing transaksyon sa lungsod, kinakailangan pa rin itong pinapanagot sa ilalim ng batas.