CAGAYAN DE ORO CITY – Nagkaroon ng magkaibang pananaw ang ilang abogado at sector sa region 10 sa isyu ng disqualification sa Comelec ni Presidential aspirant Bongbong Marcos.
Kinuwestiyon ni Citizen Watch for Good Governance (CWGG) convenor Atty. Antonio Soriano kung bakit ngayon lamang naglutangan ang ilang individual at grupo para pigilan ang pagkandidato ng dating senador sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno dahil noong tumakbo ito sa pagka bise presidente ay wala namang pumalag.
Ayon kay Soriano, naniniwala siyang hindi magtatagumpay ang mga kumokontra sa kandidatura ni Marcos at mas mabuti umanong hayaan na lamang ang mga tao na pumili sa kanilang gusto na susunod na mamuno sa bansa.
Sa panig naman ni dating Integrated Bar of the Philippines (IBP) Misamis Oriental Chapter President Atty. Eddie Cuaresma, malinaw ang kamalian ni Marcos na hindi lamang isang beses ginawa ang hindi pagbayad ng buwis kaya nararapat lamang na hindi na ito pagbigyan na maluklok pa sa anumang pwesto sa gobyerno.