Kinondena ng Alliance of Concerned Teachers ang nagpapatuloy na budget cuts sa batayang serbisyo matapos bawasan ng mahigit 16 bilyong piso ang pondo ng kalusugan at edukasyon para sa 2027 National Budget.
Nilinaw ni ACT Northern Mindanao Coordinator Roland Cruz na ang naturang budget cuts sa Department of Education ay nangangahulugan ng kawalan ng pondo para sa mga bagong silid-aralan, computerization program, at sa pag-reakrut ng mga bagong guro.
Dagdag pa ng opisyal, ang matinding budget cuts din sa Department of Health ay magkakait sa milyon-milyong Pilipino na makakuha ng libreng serbisyo sa mga pampublikong ospital.
Dahil dito, nanawagan ang grupo sa agarang pagbawi sa mga naturang budget cuts upang maprotektahan ang karapatan ng mga kabataan at mga pasyente.











