CAGAYAN DE ORO CITY – Nakaranas nang pagbaha ang ilang pangunahing lugar sa urban area ng Cagayan de Oro City kaninang hapon.
Ito ay kasunod ng opisyal nang pagpasok ng tag-ulan sa Pilipinas mula sa dry season na sinabayan pa ng weak El Nino makalipas ang ilang buwan nitong taon.
Sinabi sa Bombo Radyo ni Engr Cindy Sabanal,chief weather specialist ng City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD) na normal na pag-ulan lamang ang naranasan ng lungsod kung saan tumagal ng higit isang oras.
Inihayag ni Sabanal na partikular na mayroong pagtaas ng tubig ay C.M. Recto ng Barangay Lapasan,Barangay Camaman-an,Brgy Nazareth at Brgy Tablon ng lungsod na umabot sa highway ang tubig-baha.
Naitala rin ang pag-akyat ng tubig sa ilang interior na bahagi ng Barangay Carmen at Barangay Kauswagan ng lungsod kung saan nagdulot ng stranded ng mga motorista.
Nagsagawa rin ng rescue operation ang CDRMMD sa ilang mga residente na na-trap sa tubig-baha kaya humingi sila ng tulong Bombo Radyo Cagayan de Oro upang marinig agad ang mga hinaing.
Bagamat hindi tumaas ang water level ng Cagayan de Oro River na indikasyon na kailangan nang magsilikas.
Sa ngayon,balik na sa normal ang sitwasyon at humupa na rin ang mga tubig baha sa pangunahing mga lansangan ng syudad.