CAGAYAN DE ORO CITY-Pabor si Commission on Higher Education o CHED-10 regional director Raul Alvarez sa pahayag ni Pres Rodrigo Duterte na walang magyayaring klase sa mga paaralan sa bansa kung wala pang bakuna sa COVID-19.

Ngunit iginiit ni Alvarez na nakahanda naman umano sila kung sakaling itutuloy ang pagbubukas ng klase sa buwan ng Agosto o Setyembre nitong taon.

Aniya gagamit sila ng flexible learning bilang paraan sa pagtuturo sa mga estudyante.