CAGAYAN DE ORO CITY – Inamin ng Northern Mindanao Medical Center na iilan sa kanilang health personnel ang sumailalim sa home quarantine.
Ito’y matapos nakaranas ng sintomas ng COVID-19 lalo pa’t isang pasyente na nagpositibo sa nasabing virus ang naka-confine sa nasabing pagamutan.
Ngunit, nilinaw ni NMMC chief Dr Jose Chan na walang dapat ikabahala ng publiko dahil normal sa kanila ang posibilidad na mahawaan lalo pa’t walang pinipili na tao ang COVID-19.
Tiniyak naman nito na mahigpit nilang e-monitor ang kalagayan ng kanilang mga health personnel upang maseguro ang kanilang kaligtasan.
Napag-alaman na maliban sa isang nagpositibo sa COVID-19, tatlo ka PUI ang naka-confine ngayon sa NMMC kung saan pawang sila nakaranas ng severe acute respiratory infection.