CAGAYAN DE ORO CITY-Patuloy paring ipinapatupad sa ilang lugar sa Northern Mindanao partikular sa probinsya ng Camiguin ang pagban sa mga Chinese nationals kahit paman itoy may dalang epekto sa turismo.

Ang isla ng Camiguin ay isa sa dinarayo ng mga lokal at banyagang turista kabilang na rito ang mga Chinese dahil sa mga magagandang tanawin na talaga namang binabalikbalikan.

Sinabi ni Camiguin Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) head Jejomar Bollozos na wala ng niisang Chinese ang makikita sa kanilang isla matapos magtalaga ng mga tao sa pantalan at paliparan na siyang pipigil sa mga intsik na makapasok.

Aniya, wala pa umanong plano ang kanilang gobernador na si JJ Romualdo na payagang makapasok ang mga Chinese habang mayroon pang Coronavirus scare.

Una na rin niyang sinabi na inaalala lamang nila ang kaligtasan ng kanilang mga mamamayan laban sa nakamamatay na virus.