CAGAYAN DE ORO CITY – Inilikas ang halos libong pamilya o 3,585 residente sa mas ligtas na mga lugar sa Bukidnon.
Ito’y kaugnay sa pagtama ng mga pagbaha sa ilang syudad at mga bayan resulta ng mga pag-ulan na resulta na rin ng Low Pressure Area (LPA) na tumama sa Kabisayaan nitong linggo.
Sinabi ni Bukidnon MDRRMC Section Head Operation & Warning Section head Anecito Torayno Jr na kabilang sa mga matinding binaha ang Valencia City maging mga bayan ng San Fernando;Quezon,Kitaotao at Maramag.
Katunayan mayroong isang ginang na nasugatan matapos ma-rescue mula sa pagkatabunan ng mga gumuho na lupa sa lugar.
Naitala rin ang isang tulay umano na nasira epekto ng masama na lagay ng panahon.
Samantala,mag-ilang araw nang nagka-urban floods syudad dahil pa rin ng mga pag-ulan.
Sinabi ni CDRRMD head Nick Jabagat na kabilang sa napasukan ng urban flooding ang porsyon ng Villarin Street,Brgy Carmen;Kauswagan Highway;Recto Revenue at Limketkai area.
Marami sa mga motorista ang stranded habang mayroong ilan na lumusong talaga upang makauwi lamang sa mga pamilya nila.
Maging ang ilang major malls ay hindi pinalagpas ng tubig-baha kagabi.