CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi umano oobra ang hawak na bilang ng mga mambabatas para manalo pagka-speaker ng Kamara.
Ito ang salaysay ni Cagayan de Oro 2nd District Rep Rufus Rodriguez kaugnay sa mala-kahulugan na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang magagawa para kay Marinduque Rep Lord Lord Allan Velasco kung hindi makakuha ng sapat na bilang ng suporta ng mga mambabatas para maluklok na susunod na House Speaker.
Ito ay mayroong kaugnayan sa nalalapit na pagtatapos ng 15 ni incumbent House Speaker Alan Peter Cayetano na ka-term sharing ni Velasco.
Inihayag ni Rodriguez na hindi na nangyayari sa kasaysayan na mabigong makaupo ang binigyang basbas ng Malakanyang patungkol sa pamumuno ng Kamara kumpara sa contender kahit nakalikom pa ito ng maraming taga-suporta.
Dagdag ng kongresista na madalas itong nangyayari dahil gusto rin matiyak ng mga nakaupo sa Malakanyang na mayroong sapat na suporta mula sa Kamara para hindi mahirapan ng mga priority bills at makaiwas na rin ng posibleng impeachments.