CAGAYAN DE ORO CITY-Hinikayat ng ilang matataas na opisyal ng ilang grupo ng negosyante ang mga employer na kusang loob na ibigay ang 13th month pay sa kanilang mga empleyado.
Sinabi ni Oro Chamber spokesperson Atty. Antonio Soriano, nararapat lamang na ibigay ang 13th month pay dahil maliban na itoy nasa batas, pinagpaguran din umano ito ng mga manggagawa.
Apela naman ni Atty. Soriano sa gobyerno na e-deffer muna ang pagbabayad ng buwis upang mabigyang prayoridad ang pagbibigay ng 13th month pay.
Ikinatuwa naman ito ng mga manggagawa sa pangunguna ni ALU-TUCP regional vice chairman Atty. Procolo Sarmen.