CAGAYAN DE ORO CITY-Hindi na pinansin pa ng kanilang mga employer ang ilang mga OFW’s sa bansang Cyprus dahil sa kinakaharap na problema ng coronavirus pandemic.

Iniulat ni Anastacia Hermosilla, Bombo International correspondent sa Cyprus na simula ng tumama ang coronavirus sa kanilang lugar, agad namang tinanggal sa kanilang trabaho ang mga Pilipino.

Paliwanag ni Hermosilla na nawalan din kasi ng trabaho ang amo ng mga ito dahil sa pagsasara ng kanilang mga kumpanyang pinagtatrabahuhan epekto ng COVID-19.

Aniya, may mga kababayang Pilipino naman ang tumulong at kumupkop sa mga apektadong OFW’s sa naturang bansa.