CAGAYAN DE ORO CITY-Ipinapaubaya na lamang ng ilang mga OFW’s sa Japan sa poong maykapal ang kanilang kaligsan sa banta ng novel coronavirus.

Ito matapos ramdam nila ang pangamba sa virus na nagbabadyang dumapo sa mga tao lalo na sa Asian countries.

Ayon kay Raul Payapaya na nakabase sa Iwakuni Japan, kahit nasa normal pa naman ang kanilang buhay sa naturang lugar ay hindi parin nila maiwasan ang mabagabag.

Aniya, ipinagdasal nila na bigla na lamang maglaho ang naturang virus kagaya ng iba pang mga virus na minsan na rin nagbigay takot sa mga tao sa nakalipas na mga taon.