CAGAYAN DE ORO CITY-Nakaranas umano ng diskriminasyon ang ilang mga Pilipino sa bansang Denmark dahil sa isyu ng coronavirus pandemic.

Iniulat ni Juvy Holst, International news correspondent sa Denmark na sinasabihan umano ng mga danish ang mga asyano kabilang na dito ang mga Pilipino na siyang nagdala ng COVID-19 sa kanilang bansa.

Ayon kay Holst, maging siya ay hindi nakaligtas sa pangungutya.

Aniya, hindi niya napigilang magalit nang makasalubong niya ang mag lola at pilit umiiwas sa kanya sabay sabi na may COVID raw siya.