CAGAYAN DE ORO CITY-Nagdulot nang negatibong epekto sa kandidatura ni US Pres Donald Trump ang paglobo ng bilang na mga tinamaan ng coronavirus sa United States of Amerika.

Sinabi ni Ali Galarpe, Bombo International News Correspondent sa Florida, noong 2016 election ay namayagpag si Trump sa Florida ngunit tila may malaking pagbabago na ngayon dahil sa pagtala ng Amerika na may pinakamaraming nahawaan ng COVID-19 sa buong mundo.

Nagalit umano ang mga tao sa kanilang lugar sa pagbaliwala ni Trump sa COVID-19 protocol kagaya na lamang sa pagsunod ng social distancing kung saan nagpapatuloy parin ang kasalukuyang presidente sa pagsagawa ng political rally at nakikipagkita ng personal sa kanyang mga suporter.

Iginiit ni Galarpe na nagpapahirap ng husto sa kandidatura ni Trump ang epekto na dulot ng coronavirus.