CAGAYAN DE ORO CITY-Mahigpit paring ipinagbawal sa buong Isla ng Camiguin ang pagtanggap ng mga turista lokal man o banyaga sa kabila na nasa modified general community quarantine na ang probinsya.
Sinabi ni PDRRMO Head Jejomar Bollozos, naiintindihan naman umano ng mga nagmamay-ari ng tourist spot sa kanilang lugar ang desisyon ng LGU dahil mas prayoridad nila ang kanilang kaligsan laban sa COVID-19.
Aniya, tanging mga residente lamang sa lugar ang pinahihintulutang makapasok.
Maalalang sa kahalintulad na buwan noong nakaraang taong ay dinarayo na ang isla dahil maliban sa mga magagandang pasyahan, ginugunita din nila ang Lanzones Festival.