Iginiit ng Inday Sara Movement Philippines sa pamamagitan ni Daniel Nobleza na ilegal ang lahat ng dokumento sa bangko na inilatag ng prosekusyon sa Impeachment Hearing laban sa Bise Presidente at sa kanyang asawang si Atty. Mans Carpio.
Ipinaliwanag ng grupo na ang pera ng mag-asawa ay nagmula sa sariling negosyo at law firm, kung saan ilegal umanong inilabas ng Anti-Money Laundering Council ang mga rekord nang walang pormal na utos mula sa korte.
Dahil dito, ipinahayag ng Inday Sara Movement na isang uri ng pamumulitika ang pagdaragdag sa kuwenta sa bawat renewal ng time deposit upang magmukhang bilyon-bilyon ang pera ng Bise Presidente sa mata ng publiko.
Idinagdag pa ni Nobleza na walang kahit isang sentimo ng pondo ng gobyerno ang nahalo sa pribadong account kaya walang karapatan ang pamahalaan na manghimasok sa sariling pera ng Bise Presidente.










