Naghahanda ngayon ang Roads and Traffic Administration sa pagsasagawa ng regular na clearing operation laban sa mga motorela na nag-o-obstruction at nagdaragdag sa pagsisikip ng trapiko sa lungsod.
Idinagdag ng Department Head na si Benedicto “Doy” Ramiro na nag-deploy na sila ng mga enforcer sa mga kalsadang madalas na inirereklamo ng mga komyuter dahil sa pag-okupa sa kabilang lane.
Nagbabala ang hepe ng tanggapan na hindi na dapat pabayaan ng mga lumabag ang kanilang natanggap na citation ticket dahil ang iba rito ay naisumite na sa Hall of Justice at mayroon nang naitalang kaso sa korte.
Batay dito, inirekomenda ng pamunuan na bayaran agad ang mga multa at iwasan ang pagharang sa kalsada upang hindi humarap sa mas mabigat na parusa ng batas.











