CAGAYAN DE ORO CITY – Nilinaw ngayon ni Iligan City Information officer Joe Pantoja na ‘enhanced community quarantine’ ang pinapairal sa kanilang lungsod at hindi lockdown.
Aniya, mas pinahihigpitan nila ang isinagawang seguridad sa buong lungsod sa pamamagitan ng pagpapatupad ng isang entry at isang exit lamang sa bawat Barangay.
Sabi din ni Pantoja na ang dating social distancing na kampanya ay ginawa na nilang physical distancing, na ibig sabihin kahit nasa loob ng bahay ay kailangang mayroong 1 1/2 – 2 meters ang distansya ng bawat tao.
Ang Iligan ay mayroong 20 Person Under Investigation (PUI), 538 na Person Under Monitoring (PUM) at isa ang positibo sa COVID-19.