CAGAYAN DE ORO CITY-Magsasagawa na ng massive swab testing ang lungsod ng Iligan matapos ideklara ang Modified community quarantine.

Sinabi ni Iligan City Information officer Joe Pantoja na base sa Executive Order ni Mayor Celso Regencia, iniutos na simulan na ang swab testing sa kanilang mga residente ngunit prayoridad muna nila ang mga kawani ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) na nagsilbing frontliners.

Ayon kay Pantoja,lumobo pa sa 20 ang bilang ng mga suspected COVID-19 positive sa kanilang lungsod.