baboy isinailalim na sa culling

Photos from Iligan City LGU

CAGAYAN DE ORO CITY – Agad isinailalim ng mga otoridad sa ‘culling’ o boluntaryong pagpatay ang nasa 600 mga alagang baboy na positibong nahawaan ng African Swine Fever (ASF) sa ilang sityo ng Barangay Puga-an,Iligan City.

Ito ay matapos lumalabas sa isinagawa na confirmatory test na ASF ang ikinamatay ng unang 20 mga baboy sa nabanggit na lugar noong nakaraang linggo.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Department of Agriculture 10 regional director Carlene Collado na agad sinilyuhan ang entrance at exit points ng Iligan City upang hindi makalusot ang ibang hog products patungo sa karatig lugar partikular sa Cagayan de Oro City na nanatili na ASF-free.

Inihayag ni Collado na agad naman inaabutan ng tulong pinansyal ng ahensiya kasama ang local government unit ng Iligan at Northern Mindanao Hog Raisers Association ang backyard hog owners na direktang naapektuhan ng ‘culling operation’ ng ahensiya.

Magugunitang nagsilbing pangatlong rehiyon sa buong bansa na ‘hog products ‘producer kaya todo pag-iingat ang kada-LGU at NorMinHog nang pumutok ang ASF sa Luzon.

Si Department of Agriculture 10 regional director Carlene Collado

Kung maalala,humingi pa noon si DA Secretary William Dar ng tulong sa NorMinHog na magsu-suplay sila ng karagdagang mga karne patungo Metro Manila dahil sa matinding kakulangan nito epekto sa malawakang ASF infection sa rehiyon ng Luzon.