CAGAYAN DE ORO CITY – Pangunahan ni re-electionist Senator Koko Pimentel III ang isasagawang imbestigasyon ng Joint Congressional Oversight Committee on the Automated Election System.
Ito’y may kaugnayan sa naitalang mga kapalpakan ng Commission on Elections o Comelec sa ginanap na May 13 midterm elections.
Partikular na tinukoy ni Pimentel ang pagka-aberya ng aabot sa 600 na Vote Counting Machines (VCM) at pagpalya ng mahigit isang libong SD cards.
Naniniwala ang senador na may nagganap na irregularidad sa halalan dahil sa dami na mga reklamo natanggap ng kaniyang tanggapan.
Dagdag pa ng senador na seguradong may pananagutan ang supplier nang pumalpak na mga SD cards at posible umanong may mga taong nasa likod nito.