Inihayag ni YouthSync Northern Mindanao member Kyle Chester Cotacte na isang porma ng ‘structural violence’ laban sa mamamayan ang alegasyon ng diumano’y paglustay sa 600 milyong piso na confidential funds ng Bise Presidente.

Ipinaliwanag ng batang lider na ang malaking pondo ay maaari sanang ginamit para sa mga 4Ps grantees, scholars, mga paaralan ng DepEd, at kagamitan sa mga pampublikong ospital.

Idinagdag ng opisyal na ang pagkawala ng pondo para sa pangangailangan ng bayan ang pangunahing dahilan kung bakit ang impeachment ay hindi lamang isyung pampolitika kundi direktang tumatama sa sikmura ng bawat pamilya.

Kaya naman, tiniyak ng opisyal na patuloy na magiging mulat at mamamalasakit ang lahat ng sektor ng kabataan para sa ikabubuti ng lipunan.