Itinuro ni YouthSync Northern Mindanao member Kyle Chester Cotacte na ang impeachment process laban kay Vice President Sara Duterte ay hindi lamang basta isyung pampolitika kundi isang gut issue na tumatalakay sa katarungan at pondo ng bayan.
Nilinaw ng lider ng kabataan na mahalagang malaman at maunawaan ng kabataan ang isyu bilang paghahanda sa Eleksyon 2028 upang magkaroon ng sapat na panahon sa pagsusuri at pagtimbang ng tamang desisyon.
Naipakita sa ginanap na youth forum sa Xavier University na marami sa mga kabataan sa lungsod ng Cagayan de Oro ang nakauunawa at nagmamalasakit sa seryosong usapin ng bansa.
Dahil dito, umaasa ang organisasyon sa mas matalino at tamang desisyon ng mga botante sa pagdating ng susunod na halalan.











