Masigasig at naka-full alert ang bawat pwesto ng Incident Management Team sa lungsod ng Cagayan de Oro sa pagpapatupad ng seguridad para sa pagdiriwang ng Undas ngayong araw.

Ibinunyag ni City Information Officer Jade Adeser na pinakilos na ni Mayor Rolando “Klarex” Uy ang pinagsamang pwersa ng CDRRMD, PNP, Task Force Oro, RTA, at mga barangay tanod sa lahat ng sementeryo sa lungsod.

Ipinaliwanag ng opisyal na layunin nito na tiyakin ang kaayusan, katarungan, at mabilis na pagtugon sa anumang emerhensya sa bawat sementeryo.

Dahil dito, inihayag ng lokal na pamahalaan na nakatalaga na ang mga checkpoint at re-routing scheme sa mga kalsada upang hindi magsikip ang trapiko.