CAGAYAN DE ORO CITY-Kinokonsedera ng mga otoridad ang pagpapatupad ng signal jamming sa linya ng kumunikasyon kasabay ng pagtatalaga sa bagong arsobispo sa Cagayan de Oro bukas.

Papalit kay outgoing Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma ang arsobispo ng Malaybalay City Bukidnon na si Bishop Jose Cabantan.

Sinabi ni Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno na hinihintay pa niya ang magiging rekomendasyon ng Incident Management Team (IMT) para sa nasabing aktibidad.

Malaking konsederasyon ngayon ang pagputol ng signal dahil sa nangyaring magkasusunod na pambobomba sa Jolo, Sulu na kumitil ng maraming buhay.