CAGAYAN DE ORO CITY – Pinangangambahan ngayon ng grupong Institute for Political and Electoral Reform (IPER) na mamumumo ang umano’y international terrorism bilang epekto sa sigalot na kinaharap ng bansang Estados Unidos at Iran.

Ito ay matapos nagkahamunan na ang magkaribal na bansa na magsagawa ng mga pang-aatake kung mayrooong gagawin na hakbang ang Iran kasunod nang pagkasawi ni Iranian Elite Quds Force leader Army Gen Qassem Soleimani habang nasa Iraq.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay IPER Executive Director Ramon Casiple na terorismo ang pinaka-delikado na magiging resulta kung hindi huhupa ang tapatan ng puwersa ng Estados Unidos at Iran.

Inihayag ni Casiple na bagamat hindi direktang masangkot sa giyera ang Pilipinas subalit magiging kaawa naman ang overseas Filipino workers na nagta-trabaho sa Middle East.

Dagdag ni Casiple na hindi imposible ang pangamba na ‘international terrorism’ lalo pa’t maghahanap ang Iran ng mga bansa na papanig sa kanila dahil batid naman nito na hindi nila kakayanin ang military technology ng Estados Unidos.

Si IPER Executive Director Ramon Casiple

Hinikayat rin nito ang gobyerno na simulan nang maghanap ng panibagong pagkukunan ng produktong petrolyo maliban sa Gitnang Silingan upang hindi maapektuhan kung aakyat na ang mga presyo nito.