CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi naitago ng mga Pinoy na malungkot sa biglaan na pagkamatay nang tinitingala na Iranian military top official na unang napaslang sa US airstrike sa Iraq noong nakaraang linggo.
Ito ang kinompirma ng Pinay worker na nakapag-asawa ng retiradong sundalo ng Iran na si Elena Diva na nakatira sa Kashan City nang yumanig sa mga kababayan ni Iranian Elite Quds Force leader Army Gen Qassem Soleimani ang kanyang pagkasawi na kagagawan ng US forces.
Inihayag sa Bombo Radyo ni Diva na mataas ang paggalang at itinuring na bayani ng Iranians si Qassem dahil malaki umano ang naitulong nito para mapanatili ang katahimikan sa Iran.
Dagdag ni Diva na katunayan ay mayroong ilang mga Pinoy na tumungo sa burol ni Qassem para ipaabot ang kanilang pakiki-dalamahati bago ito ihahatid sa huling hantungan nitong araw.
Inamin nito na maging sila ng mga Pinoy ay nagaluntang sa desisyon ni US President Donald Trump na paslangin ang top military general sa Iran.