CAGAYAN DE ORO CITY- Ma-idepensa ng Iran ang sariling bakuran kung tatangkain ng Estados Unidos na magsagawa ng panibagong pang-aatake.
Ito ang inihayag ng Pinoy worker na si Al Hussien na taga-Mindanao na nagta-trabaho sa Hom City kaugnay sa naramdaman na galit ng Iran sa gobyerno ng Amerika dahil sinadya ang pagpaslang sa kanilang top military official na si General Qassem Soleimani sa Iraq noong nakaraang linggo.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Hussien na hawak rin ng Iran ang high technology military hardware na magbibigay sa kanila ng matibay na depensa laban sa sinuman na magsagawa ng mga pang-aatake.
Ginawa na halimbawa nito ang pagpapabagsak ng Iran sa multi-trillion dollars drone ng Amerika nang pumasok sa himpapawid na walang pahintulutan.
Nilinaw rin ng Iranian government na hindi sila naghahanap ng gulo subalit idepensa lamang ang kanilang sarili.
Una nang sinabi ng Iran na igaganti nila ang pagkamatay ni Qassem na tinitingala ng kanilang kababayan dahil sa malaking nagawa nito para sa sarili nila na seguridad laban sa mga teroristang al-Qaeda at ISIS.