CAGAYAN DE ORO CITY – Umaarangkada na ang imbestigasyon ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ukol sa akusasyon na mayroong naganap na malawakang iregularidad sa voters registration sa pinakamalaking bahagi ng Cagayan de Oro City particular sa Barangay Carmen.
Kaugnay ito sa inihain na resolusyon ni Cagayan de Oro 1st District Cong. Lordan Suan patungkol sa kanilang akusasyon na inaabuso ni Carmen Punong Brgy Rainer Joaquin Uy ang pag-isyu ng residence certificate upang makapasok ang hindi taga-barangay na mga residente para magsilbing bagong mga botante noong nakaraang taon.
Sinabi ni Suan na ang naitala na 44 percent voters registration increase sa loob lang ng isang barangay ay hindi katanggap-tanggap at tahasang nababalot ng katiwalian kaya dapat mayroong managot.
Bagamat hindi nasalang ng imbestigasyon ang mag-ama na sina City Mayor Rolando ‘Klarex’ Uy at kanyang anak na kapitan dahil kapwa sila hindi nakadalo sa unang committee hearing sa Kamara kaninang umaga.
Tiniyak naman ni House Committee on Suffrage and Electoral Reforms chairman Cong. Maximo Dalog Jr na ipapadalo ang mga nabigo makapunta na mga local officials para sa susunod na pagdinig.
Magugunitang unang sinabi ng Commission on Elections na nasa ilang libo ang natuklasan ng kanilang imbestigasyon na nagging bagong mga botante dahil gamit ang ini-isyu na barangay residence certificates.