CAGAYAN DE ORO CITY – Nakompiska ng militar ang maraming improvised explosive devices (IEDs) at black flags sa kampo ng ISIS-inspired group sa Madalum,Lanao del Sur.

Ito ay matapos natunton sa tropa ng 103rd IB,Philippine Army ang pinagkampuhan ng mga terorista na responsable pagpatay ka Staff Sergeant Lito Polines na naka-detail sa 553rd Engineering Battalion sa Barangay Moncado Kadingilan ng Marawi City noong Oktubre 2019.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni 103rd IB,Philippine Army commander Col Jose Maria Cuerpo na pagka-diskobre sa ID ni Polines ay patunay ang mga terorista ang bumaril-patay nito habang nasa loob ng most affected area ng Marawi.

Inihayag ni Cuerpo na maliban sa mga pampasabog at ibang kagamitan na narekober,tumambad rin sa kanilang tropa ang halos 20 na makeshifts na nakatayo sa high grounds ng kampo.

Ang pagka-diskobre ng kampo ay epekto sa walang humpay nila na pagtugis sa nasa 20 hanggang 25 na ISIS inspired fighters na ilan sa kanila ay bahagi sa nagsagawa nang pag-atake sa Marawi City taong 2017.

Si 103rd IB,Philippine Army commander Col Jose Maria Cuerpo

Inamin ni Cuerpo na ginamitan nila ng airstrike ang lokasyon ng mga terorista dahilan napilitan na iwanan ang kampo sa masukal na kagubatan ng Lanao del Sur.