Malaki ang epekto ng sigalot sa politika at mga kontrobersiya sa pondo sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin kung saan naapektuhan ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
Ipinaliwanag ng ekonomistang si Prof. Jhon Louie Sabal sa Pag-barog Youth Forum sa Xavier University na nagkakaugnay ang ekonomiya at politika.
Ipinahayag ng akademiko na ang legal na proseso ng impeachment at mga isyu ng korapsyon ay nag-uubos sa limitadong pondo ng gobyerno at nagpapaatras sa mga investor.
Upang hindi masayang ang pagsisikap sa pagpapaunlad ng bansa, nilinaw ng eksperto na kinakailangang ayusin ang pamamaraan ng pamamahala upang hindi masayang ang pera ng mamamayan.










