CAGAYAN DE ORO CITY – Nakaalerto ngayon ang 4th Infantry Diamond Division at Police Regional Office (PRO)-10 may kaugnayan sa nangyaring dalawang pagsabog na ikinamatay ng maraming sundalo sa Jolo, Sulu.

Pinaghahandaan nila ang posibleng pagkilos ng galamay ng grupong Abu Sayaff upang malihis ang atensyon ng tropa ng gobyerno.

Ayon kay 4th ID spokesperson Maj Rodulfo Cordero Jr, ipinagkatiwala na nila sa intelligence community ang pagsugpo sa mga impormasyon kung sakaling pasukin ng mga terorista ang rehiyon.

Si 4th ID spokesperson Maj Rodulfo Cordero Jr

Una nang tiniyak ni 11th ID civil military operations head Lt Col Ronaldo Mateo sa publiko na hindi dapat mabahala dahil gagawin nila ang lahat na hindi makaabot sa ibang lugar ang nangyaring kagulohan sa Sulu na pinamumunoan ni Abu Sayyaf Group leader Mundi Sawajdaan.

Si 11th ID civil military operations head Lt Col Ronaldo Mateo

Dagdag pa ni Mateo na ito na ang tamang panahon na masukat ang tibay ng anti-terrorism law sa paghahabol ng mga terorista na gumagawa ng kagulohan sa Mindanao.