CAGAYAN DE ORO CITY – Nahuli ng mga operatiba ng Valencia City Municipal Police Station ang dalawang lalaki na nagtatalik sa parke ng Poblaccion Area sa nasabing syudad sa Bukidnon, kagabi.
Kinumpirma ni Police Lt. Col. Surki Serenias, hepe ng nasabing istasyon, ang pagkakahuli ni Alyas JAY at John, na kapwa dayo sa nasabing lugar.
Sinabi ni Col Serenias na habang nagpapatrol ang kanyang mga miyembro sa ikinasang Oplan Galugad kay nadatnan nila ang dalawang nagtatalik sa open space na parke.
Kaagad dinampot ang dalawa.
Ngayong umaga, umabot sa 90 personalities ang nakasuhan sa ilalim ng oplan galugad mula sa ibat-ibang violation, kasama na dito ang dalawang lalaki.