CAGAYAN DE ORO CITY, Philippines – Magpapatupad ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board Regional Office 10 (LTFRB-10) ng bagong sistema sa paglilipat ng franchise information sa darating na Pebrero 3, Lunes.
Batay sa inanunsyo ng ahensya, ang Franchise Processing System (FPS) ay papalitan ng Enhanced Franchise Information System, na idinisenyo upang mapadali at mapamoderno ang mga operasyon ng kanilang departamento.
Sa pamamagitan ng bagong sistema, tiniyak ng LTFRB ang mas epektibo at ligtas ang proseso ng mga transaksyon para sa mga Public Utility Vehicle (PUV) operators.
Hiniling ng LTFRB sa mga operators na dalhin ang orihinal na kopya ng Certificate of Public Convenience (CPC) o Provisional Authority (PA) kapag bumisita sa opisina.
Ito ay kinakailangan para sa data accuracy at data migration.
Ang LTFRB ay naglalayong mapahusay pa ang serbisyo para sa publiko at mga PUV operators sa pamamagitan ng mas modernong sistema.