CAGAYAN DE ORO CITY – Kinumpirma ng isang Cagayan-anon Video blogger o vlogger na nakabase sa Nagoya Japan, ang pagpanic buying ng ilang residente ng Tokyo at maging sa Nagoya ilang araw bago maglandfall ang Bagyong Hagibis sa Japan.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Vlogger Samuel Anticamara, inihayag nitong lampas bewang na ang baha sa capital city ng Japan.
Kanselado na ang lahat ng air, sea at train travel sa nasabing lugar.
Nakipagkuwentuhan rin siya sa mga Pinoy sa Tokyo kung saan naramdaman nila ang bagsik ng hangin at dalang ulan ng Hagibis.
Sa ngayon, patuloy ang pangangalap ng impormasyong sa kanilang inorganisang grupong Duterte Diehard Supporters (DDS) hingil sa mga pinoy migrants at OFWs na higit na apektado sa kalamidad
Nananawagan rin ang grupo ni Anticamara kay pangulong Duterte sa agarang pagtulong sa lahat ng pinoy communties na nasalanta ng bagyo, lalo na sa mga mawawalan ng tirahan at kabuhayan.
Sa ngayon, hindi naman gaanong apektado ang Nagoya kompara sa sitwasyon sa bahagi ng Tokyo City.