CAGAYAN DE ORO CITY- Ipapaabot ng pamahalaang lokal ang inisyal na tulong pinansyal mula sa mga residente ng Bukidnon para sa internally displaced persons na nakabase sa anim na bayan ng Batangas.
Ito ay matapos personal na nakikita ni Bukidnon Governor Jose Maria Zubiri ang aktuwal na sitwasyon ng internally displaced persons dahil sa biglaang pagsabog ng Bulkang Taal.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Hanzel Echavez, tagapagsalita ng provincial government ng probinsya na ang pagpapalabas nila ng P6 milyon pondo ay alinsunod sa iniulat ni Zubiri sa Sangguniang Panlalawigan ukol sa nasaksihan na kalagayan ng IDPs kaya napagkasunduan ang ilalabas na pondo.
Inihayag ni Echavez na direkta muna sa local government units officials ang pondo na ibibigay nila na tulong pinansyal para mayroong pandagdag magamit sa mga pangangailangan ng mga apektadong mga residente.

Dagdag nito na matapos ang assessment para sa IDPs ay isusunod nila ang pangalawang bugso ng tulong mula Bukidnon.

Magugunitang kabilang sa mga bayan na paglalaanan ng tulong mula Bukidnon ay ang Kalatagan,Balayan,Bawan,Toy,Batangas City at San Luis.