CAGAYAN DE ORO CITY – Labis ang pasasalamat ni presidential candidate Leody de Guzman matapos itong makaligtas mula sa pamamaril ng private armies umano ng isang alkade sa bayan ng Quezon,Bukidnon.
Ito’y kahit mayroong ilang mga katutubo na Manobo-Pulangiyon na sugatan nang pagbabarilin ng armadong grupo habang sinimulan na okupahin ang ilang ektarya na lupain na umano’y bahagi ng kanilang ancestral domain.
Unang tumungo ang grupo ni Ka Leody upang samahan ang mga magsasakang katutubo na kunin ang kanilang lupain subalit ilang minuto ay alingagaw na ng mga putok ang naririnig sa paligid.
Bagamat nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari lalo pa’t ang lupain na gustong kunin ng mga lumad ay kasalukuyang okupado ng Kiantig Pineapple Company.
Bagamat hindi pa matukoy kung ang mga sekyu na bantay ng plantasyon o lupain ang nasa likod ng pamamaril sa mga lumad kaninang tanghali.