(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Napasakamay na ng local government unit ang ‘urns’ na naglalaman ng mga abo ni CPP-NDF Mindanao spokesperson Jorge Madlos alyas Ka Oris at kanyang female medical aide Eighfel dela Peña alias Maui na unang napatay sa military offensive sa Sitio Gabunan,Barangay Dumalaguing,Impasug-ong,Bukidnon.
Ito ay matapos nagpositibo ang resulta ng Reverse Transcription – Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test kontra COVID-19 na kinuha sa mga labi ng dalawa mismo ng mga personahe ng Philippine Red Cross nang ma-diskobre ang mga bangkay nila sa encounter site noong petsa 30 Oktubre 2021.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni 4th ID commanding officer Maj/Gen Romeo Brawner Jr na ipinasakamay na nila sa Philippine National Police at local government unit ng Impasug-ong ang mga abo ng dalawang rebelde para sa posibleng pag-turn over nito sa mga kaanak nga namatayan.
Inihayag ni Brawner ang pag-cremate sa mga labi ni Ka Oris at Ka Maui ay alinsunod sa nailatag na protocols ng IATF upang pigilan na mayroong mga taong mahahawaan ng bayrus noong nasa kasagsagan ng engkuwentro at mismo pagka-diskobre ng mga bangkay nina Oris at Maui.
Una nang hiningi sa maybahay ni Ka Oris na si Myrna Solarte alyas Ka Maria Malaya na kung maari ay hindi pagkaitan ng gobyerno na mapasakamay nila ang mga labi nito para mapaglamayan sa huling sandali ng kanilang mga kasamahan at kakilala.
Si Ka Oris ay dekada 70 pa nagsisimulang nakikipaglaban sa gobyerno kaya inaabot ang mataas na katungkulan sa loob ng CPP-NPA-NDF.
Kung maalala,sa mismong bayan rin ipinapapaslang ni Ka Oris si Impasug-ong Mayor Mario Okinlay dahil umano sa matibay na pagsuporta nito sa military operations laban sa kilusang CPP-NPA-NDF sa Bukidnon noong Hulyo 2014.