Hindi nagpahuli ang kabataan sa pagsuporta sa Dapat Isa Lang People’s Initiative upang maipatupad ang Anti-Political Dynasty Law sa ilalim ng 1987 Constitution.

Layunin ni Student Council Alliance of the Philippines Mindanao Chairperson John Philip Talaba na tapusin ang lumalaking political dynasty sa pamamagitan ng online signature campaign.

Kinakailangan ang 7.5 milyong pirma sa buong bansa upang opisyal na maihain ang petisyon para sa isang referendum.

Dahil dito, hinimok ng batang lider ang kapwa niya kabataan na pumirma online upang makiisa sa pagbabago at maabot ang target na mga pirma ng naturang kampanya.