CAGAYAN DE ORO CITY-Patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang nagyaring pananambang na nagresulta sa pagkasawi sa isang konsehal sa Sinaysayan, Kitaotao, Bukidnon.

Kinilala ang biktima na si Rene Boy Jagunos, 52, Kagawad at residente sa West Dalurong sa naturang bayan.

Sinabi ni Kitaotao Municipal Police Station commander Capt. Jose Regner Sevilleno na papunta sa Brgy Hall ang biktima ng biglang hinarang ng tatlong hindi pa nakikilalang mga suspek at binaril.

Ayon kay Sevilleno, nagtamo ng limang tama sa katawan ang biktima na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.