CAGAYAN DE ORO CITY – Naka-rekober na ang pasyente nga unang positibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) naka-confine sa Northern Mindanao Medical Center.
Ito sa kabila nang paglobo ng infected patients na naitala ng Department of Health sa buong bansa.
Ito ay matapos tuluyan nang naka-rekober ang 71 anyos na negosyanteng lalaki na taga- Brgy 9 ng lungsod habang ilang linggo na naka-confine sa Northern Mindanao Medical Center.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni DoH asst regional director Dr David Mendoza na ang pasyente ay nakatakdang lalabas sa NMMC anumang araw nitong linggo kung papasa ito sa health evaluation ng mga doktor na nag-aalaga sa kanya.
Si Patient 597 ay unang nahawaan ng coronavirus disease nang pumunta ito sa Maynila noong Marso 2020.
Kaugnay nito,hindi pa ibinaba ng DoH ang alerto dahil nanatiling mataas ang banta ng bayrus sa buong Northern Mindanao.
Magugunitang ang nasabing pasyente ay mayroon ding iniinda na ibang karamdaman subalit lumaban ito kaya hindi ito masyadong naapektuhan ng bayrus habang naka-confine sa ospital ng lungsod.