CAGAYAN DE ORO CITY – Ibinunyag ng DepEd CDO na maraming paaralan ang kulang sa seguridad matapos ang National Simultaneous School Safety Drill.
Ayon kay Program Head Romeo Aclo, maraming pintuan ang walang matibay na trangka at kulang ang alert system.
Dagdag pa niya, kailangan ang tamang pagsasanay ng mga guro para sa emosyonal at mental na pangangailangan ng mga bata.
Lumitaw din ang kakulangan ng mga security guard at bakod sa ilang paaralan.
Nanawagan si Aclo ng pagtutulungan ng komunidad upang maprotektahan ang mga estudyante.
Iginiit niyang mahalaga ang kolektibong aksyon para sa kaligtasan ng kabataan.











