Pinatalas ng pamunuan ng Vice Mayors’ League of the Philippines ang pagpapatibay sa cyber security sa gitna ng planong paglilipat ng mga lokal na ordinansa patungo sa digital na sistema!
Ipinaliwanag ni Cagayan de Oro City Vice Mayor at VMLP National Vice President for Mindanao Jocelyn “Bebot” Rodriguez na habang pinakikinabangan ang bagong e-Legis reference system upang madaling makagaya at makasubaybay sa mga magagandang ordinansa ang bawat pamahalaan, kinakailangang nakadisenyo ito sa isang ligtas na sistema.
Iginiit ni Rodriguez na kinakailangang maprotektahan ang lahat ng impormasyon ng pamahalaan at manatiling matatag ang digital na pasilidad laban sa anumang banta ng cyber threats.
Kaya naman nanawagan ang opisyal na ang teknolohiya ay kinakailangang gamitin upang mas mailapit ang serbisyo sa taumbayan at hindi upang masira ang kaligtasan ng datos ng publiko.











