CAGAYAN DE ORO CITY – Humina ang kilusan ng mga rebeldeng New People’s Army o NPA sa Western Mindanao Region.
Ito’y matapos napatay ng militar sa engkwentro ang kalihim ng Guerilla Front Sendong na si alyas Nasi o Felix na nakabase sa Ozamis City, Misamis Occidental.
Ayon kay AFP Western Mindanao Command spokesperson Maj Arvin Encinas, napatay si alyas Nasi nang mangyari ang ikalawang engkwentri sa Barangay Cogon sa nasabing lungsod.
Kakasuhan naman ng pulisya ang pitong miyembro ng mga armadong grup na kanilang nahuli sa isinagawang joint military at police operations sa Barangay Bagacay at Cogon kung saan dalawang sundalo ang sugatan.
Napag-alaman na maraming kagamitan ng mga NPA ang nabawi ng militar sa nangyaring sunod-sunod na engkwentro.