CAGAYAN DE ORO CITY – Pinuri ni dating COMELEC at COA Commissioner Atty. Rowena Guanzon ang kalinisan at kaayusan ng Cogon Market sa Cagayan de Oro.
Ayon sa kanya, maayos ang pagkakaayos ng mga tindahan ng gulay at kakanin kaya’t madaling makabili ang mga mamimili.
Binanggit din niya ang sarap ng mga lokal na pagkain sa lugar.
Gayunman, nagbabala siya sa pamahalaan hinggil sa mabigat na trapiko at banta ng pagbaha sa paligid.
Dumalaw si Guanzon sa lungsod kasama si dating Vice Governor Joey Pelaez upang makipag-ugnayan sa mga residente.











