Patuloy pa ring hahabulin ng kepulisan ang ilegal na droga at iba pang krimen sa lungsod ng Cagayan de Oro habang nagpapatuloy ang pag-alala sa Undas 2026.

Ipinaliwanag ni COCPO Spokesperson Major Emilita Simon na bukod sa mga sementeryo, nakapwesto rin ang seguridad sa mga tourist spot, terminal, at border checkpoints.

Dugtong pa ng opisyal, ginagamit ng tanggapan ang crime clock at crime map upang matiyak na hindi mapababayaan ang seguridad sa bawat barangay at mga tahanan.

Dahil dito, nanawagan ang tanggapan sa taumbayan na mag-ingat at mag-report agad sa kepulisan kung may makitang kaduda-dudang kilos sa paligid.