CAGAYAN DE ORO CITY – Pinapalakas pa ng gobyerno ang pakikipaglaban patungkol sa mga kaso ng online sexual abuse or exploitation on children (OSAEC) upang mapanatili ang pagiging tier rank no.1 ng Pilipinas sa buong South East Asia.
Nangangahulugan na mayroong mabuting performance ang bansa pagdating sa usaping pagbigay proteksyon sa kabataan laban sa OSEAC sa loob na ng siyam na magkasunod na taon.
Ito ang dahilan na naglabas kautusan si Department of Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr na maisali sa lahat ng aspiring local government units ang OSEAC kung nais nila mahirang bilang awardee ng Seal of the Good Local Governance (SGLG) kada-taon.
Sinabi ni Abalos na sa pamamagitan nito ay masiguro na gumalaw ang kada-local govt units para seryosong proteksyonan ang kapakanan kabataan.
Ginawa ng kalihim ang mensahe alinsunod ng kanilang paglunsad ng tri-city justice zone na kinabilangan ng Cagayan de Oro;Iligan City at syuda ng Ozamiz upang mapangalagaan pa ang kinabukasan ng kabataan para makaiwas sa anumang abusong sekswual gamit ang online sexual abuses o exploitation.