“They want to bend the law and they can bend the law because they are in power”—ito ang matalim na pahayag ng opisyal ng Hakbang ng Maisug na si Ben Contreras kaugnay ng panggigipit at paggamit sa Anti-Money Laundering Council sa impeachment trial.

Ipinaliwanag ni Contreras na ipinagbabawal sa batas ng naturang ahensya ang pagbubunyag ng pondo at transaksyon ng mga nagdedeposito sa bangko kung walang pahintulot mula sa mismong may-ari.

Nilinaw ng opisyal na ginamit at inutusan lamang ng gobyerno ang ahensya upang imbestigahan ang inakusahang pondo habang nananatiling tahimik sa malaking yaman ng ibang politiko.

Idinagdag pa ng opisyal na nagpapakita lamang ng pagiging ipokrito ang ilang lider at heneral ng administrasyon sa pagpili ng mga taong pinag-uusig sa bansa.