Gagamitin na ng mamamayan ang kanilang pambansang kapangyarihan sa pamamagitan ng People’s Initiative upang tapusin ang ilang dekadang pagbibingi-bingihan ng gobyerno sa batas laban sa political dynasty.

Ipinahayag ni Xavier University – Ateneo de Cagayan SIAP Director Nestor Mesias Banuag Jr. na hindi na dapat manahimik ang publiko habang nananatiling nakatengga at pending ang naturang panukalang batas sa Kongreso.

Sa pamamagitan ng Dapat Isa Lang Initiative, isusulong ng mga mamamayan ang pagbabawal sa kamag-anak hanggang sa ikaapat na antas kumpara sa isinusulong ng lehislatura na hanggang ikalawang antas lamang.

Dahil dito, hinihimok ang lahat na suportahan ang online signature drive upang mabuwag ang absolutong kapangyarihan at korapsyon sa pamahalaan.